"LET THERE BE LIGHT" Ministries
home  |  Tagalog Tracts

ANO  ANG  DAPAT  KONG  GAWIN  UPANG  MALIGTAS?

     Maraming mga tao ang nagtatanong ng ganitong katanungan ng karamihan noong araw ng Pentecostes. Pagkatapos na makita kung gaano sila makasalanan, kanilang sinabi; "ano ang aming gagawin? Sumagot si Pedro at nagsabi; "Mangagsisi kayo". Mga Gawa 2:37-38.
     Maraming tao ang hindi nakakaunawa ng tunay na pagsisisi. Angaw-angaw ay nalulungkot na sila'y nagkasala. Kanila pa man ding binabago ang kanilang mga paraan dahil sa sila'y natatakot na ang kanilang maling gawa ang magdudulot sa kanila ng paghihirap. Ngunit hindi ito ang paraan na sinasabi ng Biblia na pagsisisi. Ang mga taong ito ay nalulungkot lamang dahil paghihirap ang maidudulot ng kasalanan sa kanila, ngunit hindi dahil sa kasalanan mismo.
     Hindi itinuturo ng Biblia na ang makasalanan dapat magsisi bago niya pakinggan ang paanyaya ni Kristo na "Magsiparito kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at bibigyan Ko kayo ng kapahingahan" Mateo 11:28. Ang kapangyarihan ni Kristo ang nag-aakay sa isang tao sa tunay na pagsisisi. Ginawang malinaw ni Pedro ito sa kaniyang pahayag sa mga Israelita nang kaniyang sabihin, "Siya na itinaas ng kanang kamay ng Dios na maging isang Prinsipe at isang Tagapagligtas, upang magbigay pagsisisi sa Israel at kapatawaran ng mga kasalanan." Mga Gawa 5:31. Kung paanong tayo'y hindi mapapatawad sa ating kasalanan kung wala ang dugo ni Kristo ay  gayundin hindi tayo makapagsisisi ng ating kasalanan kung wala ang Espiritu ni Kristo na siyang gigising sa ating mga budhi.
     Bawat matwid na pagnanasa ay nagmumula kay Kristo. Siya lamang ang Isa na makagagawa sa atin na kamuhian ang kasalanan. Bawat pagnanasa para sa katotohanan at kadalisayan, pagka ating nakikita ang ating sariling pagkamakasalanan, ay katibayan na ang Kaniyang Espiritu ay kumikilos sa ating mga puso.
     Pagka ang puso ay napahinuhod sa impluwensiya ng Espiritu ng Dios, ang budhi ay nagigising, at makikita ng makasalanan ang lalim at kabanalan ng pundasyon ng pamahalaan ng Dios sa langit at sa lupa - ang Kaniyang banal na kautusan. Si Jesus ay ang "tunay na ilaw - ang ilaw na naparirito sa sanlibutan at lumiliwanag sa buong sangkatauhan" (tingnan ang Juan 1:9). Ang ilaw na ito lumiliwanag sa mga lihim na dako ng isipan at ipinakikita ang natatagong kaisipan. Nalalaman natin na ang Dios ay makatwiran. Tayo ay natatakot na lumapit, may kasalanan at marumi, sa harap ng Mananaliksik ng mga puso. Pagkatapos ating nakikita ang pag-ibig ng Dios, ang kagandahan ng Kanyang kabanalan, at ang katuwaan ng Kanyang kadalisayan. Nais nating maging malinis at makipag-usap na muli sa Dios.
     Sinabi ni Jesus, "Pagka Ako'y nataas mula sa lupa, aking palalapitin ang bawat isa sa Akin." Juan 12:32. Dapat na maipakita si Kristo sa iyo bilang Tagapagligtas na namatay para sa iyong mga kasalanan at sa mga kasalanan sanlibutan; at pagka ating nakikita ang Anak ng Dios sa krus ng kalbaryo, magsisimula nating maunawaan ang hiwaga ng pagliligtas at ang kabutihan ng Dios ang aakay sa atin sa pagsisisi. Nang si Kristo namatay para sa mga makasalanan, Kaniyang ipinakita ang isang pag-ibig na napakadakila para sa atin upang maunawaan; at habang ating ang pag-ibig na ito, maaantig nito ang puso, makikintal sa isipan, pupukaw ng pagsisisi sa ating kaluluwa.
     Maaari nating tutulan ang pag-ibig ng Dios at tanggihan ang mapalapit kay Kristo; ngunit kung hindi tayo tututol, tayo ay mapapalapit sa Kaniya. At habang ating namamasdan ang Tagapagligtas sa krus ng Kalbaryo; tayo ay mamamangha at magtatanong; " Bakit kinakailangang mamatay ng Taong ito?" Ang sagot ay; dahil sa kasalanan. Ang kasalanan ang dahilan kung bakit kinakailangan ni Kristong mamatay. Ngunit ano ba ang kasalanan? Ang pagsalangsang sa kautusan (1 Juan 3:4). Aling kautusan? Ang sampung utos ng Dios.
     Habang ating sinisiyasat ang 10 kautusang ito, nagiging maliwanag na walang sinumang ganap na nakasunod dito, at dahil dito ang lahat ay nagkasala at nararapat sa kamatayan (Roma 3:23; 6:23). Ngunit sa pagsisiyasat sa sakdal na buhay ni Kristo, natuklasan na nasunod Niyang lahat ang mga kautusan ng Kaniyang Ama at hindi nagkasala, kaya nga bakit kinailangan pa Niyang mamatay sa krus. Sapagka't isinugo ng Ama si Jesus sa lupa upang iligtas ang makasalanan mula sa parusang kamatayan.
     Kaya nga masisimulan na maunawaan ng makasalanan ang napakalaking pag-ibig na ipinakita ng Dios Ama sa kaniya sa pagsusugo ng Kaniyang bugtong na Anak upang maging kapalit sa parusang kamatayan, at kung gaano rin kalaking pag-ibig ang ipinakita ni Jesus sa Kaniyang kusang loob na pagbata ng kamatayan sa krus. Mauunawaan rin na hindi na sana kinailangangmamatay ni Kristo kung walang sumuway o sumira sa kautusan ng Dios.
     Mauunawaan na rin ng makasalanan na dahil pinili niyang magkasala, siya ay may- sala sa pagpapako kay Kristo sa krus at pagpatay sa Kanya. Sa pagkatanto ng bagay na ito, ang Kaniyang puso'y wasak, at kung walang pagpapatawad sa kaniyang mga kasalanan, siya ay mawawaglit. Kung magkagayon ang buong panukala ng kaligtasan - si Kristo bilang ating Tagapagligtas, Kahalili, at Mataas na Saserdote sa harap ng Dios para sa kapatawaran ng mga kasalanan - ay mahahayag sa kaniyang paningin. Makikita niya na si Kristo ang kaniyang tanging pag-asa ng kaligtasan, ang nag-uugnay sa Dios at sa tao, ang Natatangi na makapag-uugnay sa malaking agwat na ginawa ng kasalanan at makapagpapanumbalik na muli sa kanya sa pakikikipag-isa at pakikiayon sa Dios at sa Kaniyang kautusan (1 Juan 1:9).
     Kaya nga, dahil sa pag-ibig sa Dios at kay Kristo, ay pipiliing huwag ng sumuway kaylanman sa utos ng Dios. Ngunit papano? "paano ko magagawang huwag ng magkasala?" Paano nilabanan ni Kristo ang sari-saring tukso, nang Siya ay narito pa sa lupa? Sa pamamagitan ng pananampalataya, si Kristo ay tumanggap ng kalakasan at biyaya mula sa Kaniyang Ama upang mapanagumpayan ang lahat ng tukso at malabanan ang kasalanan. Nilabanang lahat ni Kristo ang mga pagsulong o atake ni Satanas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kautusan ng Dios na nasulat sa Kaniyang puso at sa pagiging tagasunod ng kalooban ng Dios (Awit 40:8, 119:11). Samakatuwid ang bawat makasalanan, sapamamagitan ng pagganap ng ganunding pananampalataya ni Kristo sa Dios, ay magkakaroon din ng puso na doo'y nasusulat ang kautusan ng Dios at pagkakalooban ng biyaya at kalakasan mula sa Dios sa pamamagitan ni Kristo upang mapanagumpayan ang lahat ng tukso at malabanan ang lahat ng atake ni Satanas sapagka't kanilang sinunod at ginawa ang kalooban ng Dios.
     Samakatuwid, ito'y sa pamamagitan ng pag-ibig sa Dios at kay Hesu-Kristo na Kaniyang isinugo, na magpapasya ang makasalanan na sundin ang kautusan ng Dios at maging tagasunod ng Kaniyang kalooban. At ang katuwiran ni Kristo ay magiging kaniya sa pamamagitan ng pananampataya, ang Dios ay magiging kaniyang Ama at sila'y Kaniyang mga anak (2 Corinto 6:14-18). Kaya nga ang pagkaunawa ay magiging malinaw na ang kautusan ng Dios ay kopya ng Kaniyang pag-uugali, at si Kristo ay ang kaluwalhatian at katuwiran ng kautusan.
     Kung kayo ay nagnanasa ng higit na mabuting bagay kaysa sa maibibigay ng sanlibutang ito, tanggapin ang pagnanasang ito bilang tinig ng Dios sa iyong kaluluwa. Mamanhik sa Kaniya upang pagkalooban kayo ng tunay na pagsisisi, upang mahayag sa inyo si Kristo sa Kaniyang napadakilang pag-ibig at sakdal na kadalisayan. Sa buhay ng Tagapagligtas, ang prinsipyo ng kautusan ng Dios - ang sukdulang pag-ibig sa Dios at pag-ibig sa kapwa - ay halimbawang ganap na ipinakita. Ang kagandahang- loob at hindi - makasariling pag-ibig ang siyang batayan ng bawat gawa Niya. Tanging sa pagtingin natin kay Kristo at sa pagpapahintulot sa liwanag mula sa ating Tagapagligtas na dumating sa atin, na makikita natin ang pagkamakasalanan ng ating sariling puso at ang pagnanasa na linisin at puspusin tayo ni Kristo ng Kaniyang Espiritu.
     Maaaring mayroon ka ng kaisipan na ang iyong buhay ay siyang pinakamabuti at ang iyong pag-uugali ay tama, at iniisip mo na hindi mo na kinakailangang isuko ang iyong puso sa Dios na katulad sa karaniwang makasalanan: ngunit kapag ang liwanag mula kay Kristo ay sumilay sa iyong kaluluwa, makikita mo na ang kasalanan ang dumungis sa bawat gawa ng buhay. Kung magkagayon malalaman mo na ang iyong sariling katuwiran ay tunay ngang katulad sa maruming basahan (Isaias 64:6), at tanging angdugo ni Kristo ang makalilinis sa'yo mula sa karumihan ng kasalanan, at makababago sa iyong puso na katulad sa Kaniyang sariling larawan.
     Ang isang sinag ng liwanag mula sa kaluwalhatian ng Dios ipinakikita sa atin kung ano ang kulang sa atin. Ang kadalisayan ni Kristo ang gumagawa sa ating buhay na magmukhang marumi. Ginagawa nitong malinaw ang bawat batik at kahinaan ng karakter. Ipinakikita nito ang ating masasamang pagnanasa, ang ating pusong di-tapat at ang ating maruming pananalita. Wala ni isa mang kasalanan ang maitatago, kundi ito'y tatayo laban sa atin sa paghatol maliban na tayo'y magsisi at matakpan ng dugo ni Kristo. Ang Espiritu ng Dios pinakita sa atin na hindi tayo sumusunod sa kautusan ng Dios.Habang Kaniyang sinasaliksik ang ating, nakadarama tayo ng pagkalungkot. Nakikita natin ang walang dungis na karakter ni Kristo at kinamumuhian natin ang ating sariling masamang gawi.
     Pagka ating nakikita na tayo ay makasalanan, hindi natin dapat hintayin na gawing lalong mabuti ang ating sarili. Maaari nating maisip na tayo ayhindi gasinong mabuti upang lumapit kay Kristo,at magpasya na hintayin muna na sila'y maging mabuti. Ngunit hindi tayo makaaasa na maging lalong mabuti sa pamamagitan ng ating sariling mga gawa (tingnan ang Jeremias 13:23). May tulong para sa atin sa Dios lamang. Hindi natin dapat hinatayin hanggang sa may magsumamong tayo'y magbago o hanggang sa ating makuntrol ang isang masamang kalooban. Wala tayong magagawa sa ating sairli. Dapat tayong lumapit kay Kristo basta sa ating kalagayan.
     Ngunit huwag tayong maghintay ng matagal! Huwag nating dayain ang ating sarili sa kaisipan na ililigtas parin ng Dios ang mga nagtakwil ng Kaniyang biyaya. Hindi natin makikita kung gaano kakila-kilabot ang kasalanan malibang tayo'y tumingin sa krus ni Jesus. Pagka sinasabi ng tao na ang Dios ay napakabuti na hindi Niya babayaan ang isang makasalanang mamatay, dapat silang tumingin kay Jesus na namatay para sa kasalanan. Walang ibang paraan upang tayo'y maliigtas. Kung walang sakripisyo ni Kristo ay imposible para sa atin na makatakas mula sa kapangyarihan ng kasalanan. Kung wala nito, hindi tayo makababahagi sa langit kasama ng mga anghel. Dinala ni Kristo sa Kanyang sarili ang ating pagkakasala at nagbata sa ating lugal. Ang pag-ibig, paghihirap, at kamatayan ng Anak ng Dios pinakikita sa atin kung gaano kahila-hilakbot ang kasalanan. Dapat tayong lumapit kay Kristo, sapagkat walang ibang matatakasan mula sa kasalanan. Ang ating tanging  pag-asa para sa isang buhay sa langit ay nasa pagbibigay ng ating sarili kay Kristo.
     Hinayaan ni Adan at Eba ang kanilang sarili na maniwala na ang pagkain ng pinagbabawal na prutas ay isang maliit na bagay. Inisip nila na ang katakut-takot na bunga na sinasabi ng Dios na darating, hindi mangyayari sa hindi nagbabagong banal na kautusan ng Dios. Ang kanilang pagsuway nagpahiwalay sa kanila mula sa Dios, at hinayaan ang kalungkutan at kamatayan mapasa sanlibutan. Taun-taon isang walang katapusang panaghoy ay pumapailanlang mula sa lupa. Ang sanlibutan ay naghihirap. Ang langit mismo nadarama ang mga epekto ng ating mga kasalanan. Si Kristo namatay sa Kalbaryo dahil dito. Huwag natin kailanman isipin na ang kasalanan ay isang maliit na bagay. Ang walanghanggang halaga ng buhay ng Anak ng Dios ang naging kabayaran sa kasalanan para lamang matubos ang tao mula rito.
     Marami sa atin tinatanggap ang Dios sa ating isipan samantalang ang ating puso di-nagbago. Dapat tayong manalanging, "Likhaan Mo ng isang malinis na puso sa loob, o Dios, at ilagay mo ang isang bago at tapat na espiritu sa loob ko." Mga Awit 51:10. Dapat tayong maging tapat sa ating sarili. Dapat tayong maging tapat rito na para bagang ang atin mismong buhay ay nasa panganib. Ito ay isang bagay na dapt malutas sa pag-itan natin at ng Dios, malutas magpakailanman. Ang pag-asa at wala kundi iyon ay hindi makapagliligtas sa atin.
     Dapat tayong manalangin habang ating pinag-aaralan ang salita ng Dios. Ang Kaniyang salita tinuturuan tayo ng kautusan ng Dios. Sinasabi nito sa atin ang tungkol sa buhay ni Kristo at kung paano ang maging banal. "Sikapin mong mabuhay ng isang banal na buhay, sapagka't walang sinomang makakakita sa Panginoon kung wala nito" Hebreo 12:14. Ipinakikita sa atin ng salita ng Dios kung ano ang kasalanan; malinaw na itinuturo nito ang daan ng kaligtasan. Dapat nating basahin ito ng maingat sapagka't ang Dios ang nagsasalita sa atin, at habang sinusunod natin ito tayo ay malilinis at mapapalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan sa pamamagitan ng kapangyarihan at paggawa ng Dios sa ating buhay.
     "Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita." Mga Awit 119:9.

     "...lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling kaligtasan na may takot at panginginig. Sapagka't Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa Kaniyang mabuting kalooban." Filipos 2:13-13.

     Habang nakikita natin kung gaano katakut-takot ang kasalanan, ating nakikita ang ating sarili kung ano talaga tayo. Ngunit hindi tayo dapat sumuko na walang pag-asa. Si Kristo naparito upang iligtas ang mga makasalan. Hindi natin kailangang gawin ang Dios na ibigin tayo. Mayroon na Siyang isang kahanga-hangang pag-ibig para sa atin. Ang Dios ay "ginagawa ang buong sangkatauhan na Kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ni Kristo." 2 Corinto 5:19. Ang Dios ay inilalapit ang mga puso ng Kaniyang mga anak sa Kaniyang sarili ng Kaniyang mayuming pag-ibig. Ilang mga makalupang magulang ay matiyaga ngunit ang Dios ay higit na matiyaga sa ating mga pagkakasala at pagkakamali. Ibig Niyang iligtas ang lahat Niyang mga anak. Malumanay at may kagandahang loob Niyang inaanyayahan ang makasalanan na lumapit sa Dios, at ang naglalagalag na magbalik. Ang lahat ng mga pangako ng Dios, lahat ng Kaniyang mga babala ipinakikita sa atin ang Kaniyang walanghanggang pag-ibig.
     Si Satanas lalapit sa atin upang sabihin na tayo ay mga dakilang makasalanan, at wala nang halaga pa na subukin at paglingkuran ang Dios. Subali't dapat tayong umasa sa ating Manunubos at tingnan ang Kaniyang liwanag at pag-usapan ang Kaniyang kabutihan. Tanggapin nating tayo'y nagkasal, ngunit sabihin natin kay Satanas na "Si Kristo Hesus naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan", at tayo'y maliligtas sa pamamagitan ng Kaniyang sakdal na pag-ibig. (tingnan ang 1 Timoteo 1:15). Tayo'y naging mga dakilang makasalanan, ngunit si Kristo, namatay upang tayo'y ganap na mapatawad. Ang Kanyang hindi matutumbasang sakripisyo ay sapat na upang takpan ang mga kasalanan. Yaong mga pinatawad ng lalong malaki ay iibigin Siya ng higit. Sila'y magiging pinakamalapit sa Kanya sa langit, at kanilang pupurihin Siya sa Kaniyang dakilang pag-ibig at walanghanggang sakripisyo. Pagka lubos nating nauunawaan ang pag-ibig ng Dios, pinakamabuti nating makikita kung gaano katakut-takot ang kasalanan. Pagka nakikita natin kung gaano kalayo ang Kaniyang naabot upang abutin tayo, ating mauunawaan ang isang bagay sa sakripisyo ni Kristo. Kung magkagayon tayo nga ay tunay na nagsisisi sa kasalanan at ang ating puso ay puno ng pag-ibig para sa Kanya.
     Ang pagsisisi ng ating mga kasalanan ay mahalaga (tingnan ang Kawikaan 29:1; Lucas 13:2-5; Apokalipsis 2:5), nginit kung hindi tayo susulong ng higit sa pagsisisi ng kasalanan, ito'y walang magagawa. Dapat tayong "mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi" Lucas 3:8. Ang ibig sabihin,  dapat nating iwanan at alisin ang ating mga kasalanan (tingnan ang Kawikaan 28:13; Efeso 4:17-32). Ngunit huwag nating iwanan ang gawain ng pagtalikod sa ating mga kasalanan at paghahanap ng kalinisan ng puso sa pamamagitan ni Jesus, sapagka't ang kasalanan, gaano man kaliit kung ito'y titingnan ay maaaring pagsasaan sa kapanganiban lamang ng iyong kaluluwa. Kung ano ang hindi natin napanagumpayan ay siyang dadaig sa atin at gagawa ng ating pagkawasak. Kung pipiliin nating magkasala, tayo ay mga alipin ng kasalanan at nasa pagkakagapos sa lumikha nito-ang Dyablo (tingnan ang Juan 8:34; Roma 6:16; 2 Pedro 2:19; 1Juan 3:8). At ang kabayara na ibinayad ng Dyablo sa kaniyang mga alipin ay hindi sapat para mabuhay - "sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan" (Roma 6:23). Ngunit kung ating pipiliing maglingkod sa Dios, kung gayon tayo ay mapapalaya mula sa kasalanan sa pamamagitan ni Kristo. At kung ano ang ibibigay ni Kristo sa Kaniyang tapat na mga tagasunod ay sapat para mabuhay - sapagak't ang "kaloob ng Dios ay buhay na walanghanggan sa pamamagitan ni Hesu-Kristo na Panginoon natin" Roma 6:23.
     Bawat kasalanan, bawat pagtalikod mula sa biyaya ng Dios ay pinatitigas ang puso. Inaakay tayo nito na gumawa ng mga maling pagpili. Inilalayo tayo nito sa pagkaunawa ng pag-ibig ng Dios. Ang kasalanan ginagawa tayong di-gaanong sumunod, di-gaanong pahinuhod sa Banal na Espiritu ng Dios.
     Kahit isang maling bagay sa karakter o sa isang makasalanang pagnanasanginiingatan sa puso ay magbabawas ng kapangyarihan ng ebanghelyo upang baguhin tayo. Kung tayo'y susuko kay Satanas, lalo tayong tumatalikod mula sa Dios. Kung hindi natin alintana ang pakikinig ng salita ng Dios, ating aanihin ang bunga ng ating piniling gawin. Sa Biblia mababasa natin ang labis na kinatatakutang babala laban sa paglalaro ng masama. "Ang mga kasalanan ng isang makasalanang tao ay isang bitag. Siya'y nahuhuli sa lambat ng kaniyang sariling kasalanan." Kawikaan 5:22.
     Si Kristo ay handang palayain tayo mula sa kasalanan, ngunit hindi Niya pinipilit tayo na piliin ang Kaniyang paraan. Maaari nating ibiging magpatuloy sa pagkakasala at magnasang maging malaya. Kung hindi natin tatanggapin ang Kaniyang biyaya, ano pa ang Kaniyang magagawa? Ating sisirain ang ating sarili sa pamamagitan ng pagtalikod mula sa Kaniyang pag-ibig. Ngunit ang nakatatakot na kahihinatnang ito ay hindi kinakailangan na maging isang kapalaran. "...si Kristo hesus ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito." "Narito, ngayon ang panahong ukol; narito ngayon ang araw ng kaligtasan." "Ngayon kung marinig ninyo ang Kaniyang tinig, huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso." 1 Timoteo 1:15; 2 Corinto 6:2; Hebreo 3:7-8.